TIGBAK ang 46-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding–in-tandem sa Quezon City kaninang umaga, Disyembre 24, 2013.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roderick Laurente ng 2012 Pacamara St., Don Fabian Subd., Brgy. Commonwealth, QC.
Si Laurente ay tumimbuwang at agad na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ng .45 kalibre ng baril.
Ayon kay SPO1 Hilario Nebato ng Quezon City Police District Station 6 Batasan, naganap ang insidente alas-7:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa tapat ng Birhen Milagrosa Chapel sa Don Fabian St., Barangay Commonwealth, QC.
Sinabi sa ulat na galing sa pagja-jogging si Laurente bitbit ang alagang aso at kaibigan na si Jerry Balambao at naglalakad malapit sa chapel, nang bigla na lamang sumulpot ang 2 hinihinalang gunmen.
Nang tumapat ang motorsiklo na walang plaka sa biktima, isa sa suspek ang bumaril sa una hanggang sa bumulagta ito.
Hinihinala ng mga awtoridad na may kinalaman sa ipinagbabawal na droga ang insidente.
The post Lalaki itinumba ng riding in-tandem sa QC appeared first on Remate.