HUMIHINGI na ng proteksyon ang anak na babae ng napaslang na dating Labangan Mayor Ukol Talumpa sa Department of Justice (DOJ) dahil sa death threat na natatanggap nito at kanilang pamilya.
Sa kanyang liham kay Justice Secretary Leila de Lima, hiniling ni Rayyam Talumpa na mabigyan ng security personnel ang kanyang pamilya para sa kanilang proteksiyon.
“Since we have been receiving threats… we would like to ask the DOJ to provide us the necessary assistance so that security personnel be fielded to secure us at the soonest possible time,” nakasaad pa sa liham ni Rayyam.
Nito lamang Biyernes ng umaga ay tinambangan ang alkalde at may bahay na si Lea at dalawa pang kaanak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng riding in tandem pagkalabas sa departure area.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso at patuloy pa ring inaalam ang motibo sa pamamaslang kung saan tinitingnang anggulo ang pulitika at droga.
The post Anak ng pinatay na si Mayor Talumpa may death threat appeared first on Remate.