HINIHINALANG may pinaamoy na nakaaantok na usok ang mga magnanakaw na nanloob sa bahay ng tatay ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Sinabi ng biktimang si Rosalio Pacquio, na natuklasan na lamang nila ang panloloob nang magising sila kaninang umaga (Disyembre 23) at makitang gulo-gulo ang loob ng kanilang bahay partikular sa kuwarto nito.
Ayon pa sa tatay ng People’s champ, na residente ng Andrade Subd., sa Yumang St., San Isidro, nakaramdam siya ng pananakit ng ulo at ang kanyang mga kasamahan na isang senyales ng may ipinakalat na usok sa loob ng kanilang bahay bago ilatag ng mga suspek ang pananakaw.
Nakuha ng mga suspek sa isang Belen Maganon, 38, taga Barangay Kinam, Malapatan, Sarangani ang cellphone nito, mga ATM, BIR tin card at P11,000 na pera ni Rosalio.
Ayon pa sa nakatatandang Pacquiao, nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-11 hanggang 12 ng hatinggabi habang sila ay natutulog.
Kinaumagahan na nang madiskubre na nabiktima sila ng panloloob.
Sinira aniya ng mga suspek ang sliding door ng kanilang bahay sa pamamagitan nang pagtusok ng matalim na bagay sa lock ng pintuan kaya nakapasok ang mga kawatan.
The post Bahay ng tatay ni Pacquiao ninakawan appeared first on Remate.