Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sa sobrang kalasingan: Angelica nagwala, nagsisigaw at nagbasag ng bote

$
0
0

NAINTRIGA ako sa tsismis ng kilalang blogger na pinipitisyon sa kanyang eskuwelahang pinagtatrabahuhan dahil sa blogsite nito na walang ginawa kundi itsismis at sirain daw ang ibang tao.Kinakatulong pa raw nito ang kanyang mga estudyante para maghanap nang maibabalita.

Anyway, ayon sa bagong tsika nito, na may palagay kaming sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ang tinutukoy nito, nahawahan na raw ng aktor ang kanyang girlfriend sa sobrang pag-iinom ng alak. Dati naman daw ay moderate lang kung lumaklak ang aktres, pero nang maging karelasyon nito ang magaling na aktor ay nag-level up na rin ito sa pagiging lasengga.

Madalas nga raw na magpunta ng mga club ang dalawa kasama ang dabarkads nila para tomoma ng todo.

Isang araw, nang nalasing daw ng sobra si Angie, inihatid siya ni John Lloyd sa eksklusibong subdibisyong tinitrihan nito. Pero napeste raw sa katatawag at kado-doorbell si Angie dahil hindi lumalabas ang maid para buksan ang gate. Palibhasa lasing kaya nagtapon raw ng bote ng alak sa kalsada ang dalaga sabay sigaw sa namesung ng kanilang helper. Dahil sa ingay ni Ms. Panganiban, nagising at naeskandalo ang mga naninirahan sa nasabing subdibisyon.

Mabuti na lamang at carry pa raw ni John ang sarili kaya nasasaway nito ang kasintahan. At para matahimik daw ang siyota niya, umakyat na ito ng bakod para buksan ang gate.

Salamat kay Papa John at napahinga rin daw sa ingay ang mga neighbors. Hehehe!

Sila ba itetch? Ano sa palagay n’yo?

ILANG KAPATID NA BABAE NI RAYMART KAMPI KAY CLAUDINE

Hindi namin alam na may mga kapatid pa palang babae si Raymart Santiago. At ilan daw sa mga sis niyang ito ay kumakampi kay Claudine Barretto. Kaya kung si Raymart ay tinutulungan ni Gretchen Barretto sa pamamagitan nang pag-testify sa korte, si Clau ay may moral support naman daw mula sa kampo ng aktor.

Siguro dahil sa babae si Claudine kaya naiintindihan ng mga kapatid na babae ng Kapuso aktor ang damdamin ng original Teleserye Queen. Baka rin may nakikita rin silang mali sa ugali o sa pagkatao ng kanilang artistang kapatid kaya pumanig sila sa aktres para mabigyan ng leksiyon ang kanilang utol.

***
Para sa inyong suhestiyon at komento, mag-text lamang sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Maari rin kaming mapakinggan sa Star Na Star sa DWIZ 882khz 2-3 p.m. Lunes hanggang Biyernes. Mabalos!

The post Sa sobrang kalasingan: Angelica nagwala, nagsisigaw at nagbasag ng bote appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>