SA GITNA ng namumuong iringan sa pagitan ng Korte Suprema at Lehislatura ay pinapurihan ng Bayan Muna ang Korte Suprema matapos mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa Meralco na magpatupad ng P4.15 na power rate hike sa loob ng tatlong buwan.
Giit ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na malaking ginhawa ito sa consumers at isa rin itong magandang regalo na kanilang matatanggap ngayong Pasko.
Matibay aniya ang basehan ng TRO kumpara sa suspensyon ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission (ERC) sa dagdag bayarin sa kuryente.
Ngayong hapon lamang ay inisyu ng SC ang 60 araw na TRO sa power rate increase ng Meralco kung saan wala munang dagdag na singil sa kuryente hanggang sa susunod na dalawang buwan.
“The Supreme Court decision to temporarily restrain the imposition of incredibly high power rates is a welcome relief for the people already suffering from very low wages in the face of very high prices of basic commodities. It is good that the SC granted the request of petitioners and the people because it is a timely Christmas gift for the people,” ayon kay Colmenare.
Ngunit higit aniyang dapat ikatuwa kung ang inisyu ng SC ay permanent injunction sa pagtaas ng singil ng kuryente kaysa sa TRO.
Maging si Anakpawis Rep. Fernando Hicap na unang nagpahayag ng gagawing petisyon ng Makabayan group upang mag-isyu ang SC ng TRO ay nagsabing “This is a result of the public’s strong opposition to Meralco’s unjust power rate adjustment.”
Aniya sa December 27, ang Anakpawis Partylist kasama ang iba pang progresibong grupo ay maghahain ng “petition for certiorari with application for preliminary and permanent injunction” upang hindi na makapagpatupad ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Meralco ng dagdag singil ng kuryente.
“We will file our petition representing the sentiments of millions of Meralco customers. We will also prepare for the oral argument set on January 21 to further raise our issues against Meralco’s high power rates and profiteering at the expense of electric power consumers,” ayon kay Hicap.
The post SC sinaluduhan ng mga kongresista appeared first on Remate.