UMAASA ang Philippine Coconut Authority (PCA) na masasagip ng palm oil o langis ng niyog ang sinalantang sakahan ng super typhoon Yolanda.
Ito ang napag-alaman ng Remate News Central.
Sa report, inaayos na ng PCA ang roadmap ng oil palm industry para sa 2014-2023.
Sisimulan ito sa Mandaue, Cebu sa pangunguna ng Philippine Palm Oil Development Council, Inc. (PPDCI) , Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agrarian Reform (DAR), University of Mindanao, Local Government Units (LGUs) at private sectors.
Plano nilang taniman ng niyog ang 300,000 ektaryang lupa.
Magpapatayo rin sila ng oil milling na may kapasidad na gumawa ng langis na 500 tonelada bawat oras.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 56,641.71 ektaryang lupain ang natataniman ng niyog.
Abot naman sa isang milyong ektarya ang pwedeng taniman ng niyog sa Pilipinas.
Gayunman, siniguro ni PCA Deputy Administrator for Research, Development and Extension Branch (RDEB) Carlos B. Carpio na wala silang planong pumutol ng kahit anong uri ng punong kahoy para makapagtanim ng niyog.
Hindi rin sila magsusunog ng gubat tulad ng ginawa ng Malaysia at Indonesia para mapalawig ang taniman ng niyog.
Idinagdag pa ni Carpio na mas kailangan ng bansa ang kagubatan kesa oil palm plantation dahil ito ang tahanan ng mga hayop na ilap.
The post Yolanda victims sasagipin ng coco oil appeared first on Remate.