NAKAKASA na ang one-day leave ni Pangulong Benigno Aquino III sa Disyembre 27.
Sa kalatas na ipinalabas ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr., ang one-day leave ni Pangulong Aquino ay batay sa naging rekomendasyon ni Health Sec. Enrique Ona.
“Upon Secretary Ona’s persistent recommendation, the President will take a one-day leave from work on Friday, December 27,” ani Sec. Coloma.
Magbabalik-trabaho naman ang Chief Executive sa darating na Lunes, Disyembre 30, Rizal Day kaya’t malinaw na tatlong araw ang magiging bakasyon ni Pangulong Aquino, simula Disyembre 27 hanggang Disyembre 29, 2013.
Nauna rito, kapansin-pansin ang makailang ulit at patuloy na pag-ubo ni Pangulong Aquino sa bawat event na kanyang pinupuntahan.
Iyon aniya ang napansin ni Sec. Ona kaya’t pinayuhan siyang magpahinga.
Kapansin-pansin na walang pahinga ang Pangulo nitong mga nagdaang linggo dahil personal niyang binisita ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda at ang Bohol na dumanas naman ng malakas na paglindol.
Marami nang dalubhasang manggagamot ang pinayuhan ang Pangulong Aquino na alagaan niya ang kanyang kalusugan.
The post PNoy may one-day leave sa trabaho appeared first on Remate.