DALA ng labis na kalasingan at pagkalulong sa iligal na droga kaya sinunog ng dalaga ang kanyang sariling bahay sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Umaabot sa P50,000 ang danyos ng sunog nang maabo ang bahay ni Cecilia Betonio Hanio, ng Purok 1, Brgy. Antonio Luna, Cabadbaran City, matapos silaban ng anak na si Jinky Jane Betonio Hanio.
Nabatid na unang sinunog ng suspek ang kurtina ng bintana na agad na kumalat.
Wala namang nasugatan sa insidente.
The post Sariling bahay sinunog ng bebot na senglot appeared first on Remate.