TINUTULAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panibagong power rate hike na isinusulong ng Manila Electric Company (Meralco) sa pagpasok ng 2014.
Batay sa inilabas na anunsyo ng Meralco sa ERC, ang power rete hike ay kaugnay sa napipinto na namang pagmahal ng generation charge sa Enero 2014.
Pero hindi tulad ng sinasabing mabilis na pag-apruba sa P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil, hinarang ngayon ng ERC ang panibagong pagtataas.
Inutusan ng komisyon ang Meralco na ipako na muna sa P7.37/kWh ang generation charge sa Enero at saka na lang pag-usapan kung paano babawiin ng Meralco ang naantalang power rate hike.
Paliwanag ni Comm. Ina Asirit, tuloy pa rin ang utay-utay na pagbawi ng mahigit P4/kWh na dagdag-singil para sa buwan ng Disyembre. P2.41/kWh ang unang ipinataw ng Meralco ngayong buwan at masusundan ng P1.21/kWh sa Pebrero at P0.53/kWh sa Marso.
Iba naman ang diskarte ni Energy Secretary Jericho Petilla. Hihiritan niya ang mga may-ari ng power plant na ibalik sa konsyumer ang parte ng kanilang kinita noong sumipa ang presyo ng kuryente sa spot market noong Nobyembre.
Pero nilinaw ni Petilla na tuloy pa rin sa Disyembre 30 ang paglalabas ng resulta ng imbestigasyon sa posibleng sabwatan kaya lumobo ang presyo ng kuryente.
The post ERC tumutol sa panibagong power rate hike appeared first on Remate.