SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa mga pangunahing lansangan partikular na sa kalakhang Maynila simula Disyembre 24, bisperas ng Pasko gayundin ang mismong araw ng kapaskuhan.
Nabatid sa MMDA na malayang makakapagbiyahe ang lahat ng motorista sa lansangan ng Metro Manila dahil lifted ang number coding scheme makaraang ideklara ng Malakanyang na ang Disyembre 24 ay “special holiday” o “non working holiday” at ang Diyembre 25 naman na araw ng Pasko ay regular holiday.
Samakatuwid, ang mga license plate number na nagtatapos sa 3 at 4 ay makakapagbiyahe sa Metro Manila matapos suspendihin ng naturang ahensiya ang number coding.
Nabatid, na sa ilalim ng number coding, hindi pwedeng bumiyahe sa mga major thoroughfare mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi depende sa digit number ng plaka nito.
The post Number coding sa Dec. 24, Pasko sinuspinde ng MMDA appeared first on Remate.