BINUKSAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang website na naglalaman ng mga programa ng Simbahang Katoliko kada buwan ng taong 2014, kasabay nang deklarasyon sa naturang taon bilang Year of the Laity.
Ayon sa CBCP, ang website na choosetobebrave.org, ay magkakaroon rin ng Facebook at Twitter account na may kaparehong pangalan na ang layunin ay ang maabot ang lahat ng Catholic netizens.
Nabatid na sa nasabing website ay maaari ring magbigay ng feedback sa mga Obispo sa Pilipinas hinggil sa sitwasyon ng mga pamilyang Pinoy.
Sa kanyang liham, kasunod ng paglulunsad ng nasabing website, sinabi ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang hamon sa lahat ngayong 2014 ay kung paano ba tayo magiging isang bayani at santo.
Iginiit naman ni Villegas na magiging santo ang lahat kung magiging matapang ang mga ito at hindi magiging duwag.
“…2014 ’s challenge is “CALLED TO BE SAINTS…SENT FORTH AS HEROES”. How can you be a saint? By being brave! Cowards cannot be saints. “Do not be afraid” is the favourite command of God. How can you be a hero? By being brave! Cold people are dull and dry. Heroes inspire and ignite. Everybody loves brave people. Brave people are admirable! Saints and heroes are big words; being brave sounds easier.
Lifetime is too long; everyday sounds manageable! Big deeds are rare and few; little good acts are for everybody everyday. Everybody can be brave everyday everywhere! Choose to be brave!” bahagi ng liham ni Villegas.
Idinagdag pa nito na sa pamamagitan ng website ay maipapakita sa mga Catholic laity kung paano ba magbago para sa kapakanan ng lipunan.
The post Website na naglalaman ng church activities binuksan na appeared first on Remate.