BIBISITA si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Erap Estrada kay dati ring Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City ngayong hapon.
Ayon sa kampo ni CGMA, inaabangan nila ang pagdating ni Erap bandang alas-3:00.
Sa inilabas na pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nitong ikinatutuwa ng pamilya Arroyo ang nakatakdang pagbisita ni Estrada at ang atensyong ibinibigay nito sa kalagayan ni CGMA sa ospital ngayong Kapaskuhan.
Para sa kampo ni Arroyo, “President Erap’s magnanimous gesture is the best evidence of the Biblical saying that ‘what ye sow, so shall ye reap.’”
Binalikan ni Topacio ang pagbibigay ng pardon ni CGMA kay Estrada na anya’y nagbigay dito ng kalayaan at pagkakataong makapagsilbi muli sa mamamayan bilang alkalde.
Pinapurihan din ng abogado si Erap, sabay patutsada naman kay Pangulong Noynoy Aquino.
Matatandaang pinalitan ni CGMA si Erap bilang Pangulo. Nakulong ang huli, at minsan ding binisita ni Arroyo.
Sa ilalim naman ng administrasyong Aquino, na-hospital arrest si Arroyo sa kasong pandarambong.
The post Erap, bibisita kay CGMA ngayong hapon appeared first on Remate.