Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Holiday pay rules advisory inilabas ng DOLE

$
0
0

NAGLABAS na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng holiday pay rules advisory upang paalalahanan ang mga employer sa tamang pa-sweldo ngayong holiday season.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, batay sa Proclamation No. 459 na nilagdaan ni Pangulong Aquino, deklaradong Regular Holidays ang Disyembre 25 (Pasko), Disyembre 30, 2013 na Rizal Day at Enero 1, 2014, Bagong Taon, habang ang Disyembre 24 (bisperas ng Pasko) at 31 (bisperas ng Bagong Taon) ay special non-working day naman.

“Voluntary compliance with labor laws, including correct wage payment during holidays, denotes workplace excellence and redounds to the competitiveness of business and the country’s industries,” paalala pa ni Baldoz.

Para sa Regular Holidays na Disyembre 25 (Pasko), Disyembre 30,  2013 (Rizal Day); at Enero 1, 2014 (Bagong Taon) ang susunding pay rules ay:

•     kung ang empleyado ay hindi pumasok sa trabaho siya ay tatanggap pa rin ng 100 porsyento ng kanyang arawang sweldo.

•     kung pumasok naman ang empleyado sya ay tatanggap ng 200 porsyento ng kanyang regular na sweldo para sa araw na. Yun sa unang 8 oras.

•     kung ang empleyado ay nagtrabaho ng lagpas sa 8 oras, tatanggap ito ng karagdagang 30 porsyento ng kanyang hourly rate.

•     kung ang empleyado ay pumasok kahit na regular holiday at natapat na rest day nito, tatanggap sya ng dagdag na 30 porsyento ng kanyang arawang rate na 200 %.

•     kung lagpas na sa 8 oras ang trabaho sa  regular holiday na natapat sa kanyang rest day, tatanggap pa ito ng dagdag na 30 % ng kanyang hourly rate para sa araw na iyon.

Para naman sa special (non-working) day sa Disyembre 24 at 31:

•     kung hindi pumasok ang empleyado ay paiiralin ang “no work, no pay” principle malibang may umiiral na collective bargaining agreement (CBA) sa kumpanya.

•     kung pumasok ang empleyado ay babayaran ito ng dagdag na 30 % ng kanyang daily rate sa unang 8 oras at dagdag na 30 % kung lalagpas sa 8 oras.

•     kung pumasok naman sa special non working day at natapat sa kanyang rest day, tatanggap ito ng 50% ng kanyang daily rate sa unang 8 oras, at dagdag na 30% kung lalagpas sa 8 oras.

The post Holiday pay rules advisory inilabas ng DOLE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>