INILIBING na agad ang mayor, asawa at pamangkin na tinambangan kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Alas-6:00 ng umaga nang dumating sa Pagadian City ang mga labi ng mag-asawang Talumpa sakay sa C130 plane ng Philippine Airforce (PAF).
Mga bandang 10:00 naman kaninang umaga nang inilibing sina Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at misis na si Leah Talumpa alinsunod na rin sa tradisyon ng mga Muslim.
Nabatid na naging mahigpit na kalaban sa politika ng biktima si Wilson Nandang na natalo sa nakaraang eleksyon.
Aminado naman ang task force na pahirapan din sa kanila ang agarang paglutas ng kaso lalo na’t walang nakuhang closed circuit television (CCTV) camera sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 maliban na lamang sa mga larawan at video na kuha ng netizens.
Sinasabing dalawang suspek ang nakasuot ng uniporme ng pulis at nakamotorsiklo ang nasa likod ng pang-aambus.
The post Biktima sa NAIA T-3 ambush inilibing na appeared first on Remate.