DISMAYADO ang Malakanyang dahil international news na ang naganap na barilan sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Aminado si Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na ang mabagal na pag-upgrade ng pasilidad ng T-3 ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang pumatay kay Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at tatlong iba pa sa NAIA Terminal 3.
“Of course, kung tatandaan natin iyong sa T-3, meron talaga tayong balak na i-upgrade iyong mga facilities natin diyan dahil ito iyong Terminal 3 dahil matagal din nating… The government has long…It has been entrenched in a long legal battle when it comes to T-3. At kasama talaga sa plano natin iyan na i-upgrade po iyong mga pasilidad, at gusto na nga natin siyang buksan fully at kailangan lang ho talagang isama iyong mga upgrade, kasama na ho diyan iyong mga CCTV. Of course, it’s a cause for serious concern also for us considering that it happened within airport premises. Hindi naman po doon sa loob. I think some people are thinking that it actually happened inside the terminal,” ayon kay Usec. Valte.
Kaya para makabawi ang pamahalaan ay pinaigting na lamang ang alerto ng kapulisan.
Kamakailan lamang ay magkakasunod ang krimen na nangyari sa MM katulad na lamang ng panloloob ng Martilyo Gang sa jewelry shop SM North EDSA, sa isang cellphone store sa SM MOA, pamamaril sa NAIA Terminal 3 at pamamaril sa asawa ni Atty. Raymond Fortun.
Pinabulaanan naman ni Valte na nagpapabaya ang mga pulis lalo pa’t naka-holiday mode na rin ang mga sibilyan.
The post Malakanyang dismayado sa NAIA ambush appeared first on Remate.