MATAPOS ang ilang buwan na panunungkulan bilang Officer-In–Charge sa Bureau of Immigration (BI) ay pormal nang itinalaga ni Pangulong Aquino bilang commissioner ng ahensiya si Siegfred Mison.
Matatandaan na pinalitan ni Mison sa puwesto ang nagbitiw na si Comm. Ricardo David.
Napag-alaman na napirmahan ng Pangulo ang appointment ni Mison bilang commissioner ng BI nito lamang Disyembre 18, 2013.
Samantala, balik prosecutor naman si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Nonatus Rojas matapos pirmahan ng Pangulo ang kanyang appointment bilang Prosecutor V o Regional Prosecutor sa Office of the regional prosecutor ng Region 1 na nasa ilalim ng national prosecution service ng Department of Justice (DoJ).
Si Rojas ay nagbitiw din sa puwesto bilang director ng NBI.
The post Mison, BI commissioner na, ex-NBI chief Rojas balik-prosecutor appeared first on Remate.