Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Unilateral ceasefire mula Dec. 21 – Jan. 14

$
0
0

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang unilateral declaration ng pamahalaan ukol sa Christmas ceasefire na magsisimula ng 12:01 ng madaling-araw ng Disyembre 21, 2013, at magtatapos ng 11:59 ng gabi ng Enero 15, 2014.

Sa deklarasyong ito ay inaatasan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na suspendihin ang lahat ng offensive military operations sa buong panahon ng Christmas ceasefire.

“Our Security forces will maintain their defensive readiness in the protection of our people,” ayon sa Office of the Press Secretary.

Malinaw lamang na ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang traditional call para sa Christmas ceasefire upang ang sundalo, rebelde man o sibilyan na nasa tinatawag na conflict areas ay malayang makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kabilang dako, tinatayang tatlong buwan nang naharap sa mabigat na trahedya ang taumbayan kung saan sinasabing na-trauma ang bansa.

Sa panahon aniya ngayon ng pananampalataya, pag-asa at pagkakaisa ay kailangang magsama-sama bilang iisang Filipino para sa long-term effort para sa pagbangong muli ng mga sinalantang lugar ng bagyong Yolanda.

“May the peace and goodwill that must dwell in our hearts become building blocks for a healing and enduring peace in our land,” ang huling nakatala sa kalatas ng OPS.

The post Unilateral ceasefire mula Dec. 21 – Jan. 14 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>