NASA ika-pitong puwesto pa rin ang Pilipinas sa SEAG makaraang masungkit ang 23 gold medals ngayon.
Mula sa 20 ay umakyat sa 23 ang kabuuang gintong medalyang ng Pilipinas sa ginaganap na 27th Southeast Asian Games (SEAG) sa Myanmar.
Sa 11 bansang kalahok sa SEAG, kasalukuyang nasa ika-pitong pwesto ang Pilipinas na mayroon ding 24 na silver at 28 bronze.
Nangunguna pa rin ang Thailand sa record nitong 73 gold, 66 silver at 62 bronze medals.
The post Pinas may 23 gold medal na sa SEAG appeared first on Remate.