ISANG eroplano ng Zest Air na may sakay na mga Korean tourist ang sumadsad sa runway ng Kalibo International Airport (KIA) kaninang hapon, Disyembre 19.
Masuwerte namang walang nasugatan sa insidente.
Nabatid na ang RP-C8988 ay may sakay na mga pasahero na mahigit sa 150, kinabibilangan ng foreigners mula sa isla ng Boracay at patungo sana sa Busan, South Korea.
Alas-3:15 ng hapon kanina nang mangyari ang aksidente.
Sinasabing lumampas ang dalawang gulong sa harapan ng eroplano dahilan upang lumubog sa lupa sa dulo ng runway.
Kaagad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at kapulisan sa runway kung saan binantayan ang eroplano habang ini-evacuate ang mga pasahero pabalik sa departure area.
Ilang oras pa ay tuluyang nahatak ang eroplano patungong parking bay area.
Inaalam na ang dahilan ng insidente.
The post Zest Air sumadsad sa paliparan sa Kalibo appeared first on Remate.