ANG West zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc., (Maynilad) ay magkakabit ng may 400 water filtration systems sa mga bahagi ng Cebu, Iloilo, Leyte at Samar, upang makatulong sa pagsasaayos ng mga lugar sa Visayas.
Ang filtration systems ay gumagamit ng Sawyer Point-ONE technology, ito’y maaaring makapag-convert ng tubig mula sa anomang panggagalingan nito, sa pamamagitan ng kanyang gravity-operated filter na hindi na kakailanganin pa ang kuryente o kaya ay karagdagan pa ng anomang chemicals.
Bawat filter ng naturang sistema ay makapagbibigay ng 1,440 litrong tubig bawat araw, na makasasapat upang matugunan sa pang araw-araw na pangangailangan ng may 20 pamilya.
Ang nasabing filtration system ay magagamit at magtatagal sa loob ng 10 taon.
250 water filtration systems ang inilagay sa Bogo City, Medellin, at Daan Bantayan sa Cebu. Samantala, 70 filters ang na-set-up sa Palo at Tanauan sa Leyte, at 80 filters naman sa Marabut, Samar.
Ang Maynilad ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa Iloilo City, gayundin sa Trade and Investment Foundation at sa local government ng Iloilo upang matukoy ang mga pagkakaloobang komunidad.
Bago ikabit ang filters, sinuri muna ng Maynilad ang kalidad ng tubig, upang makasiguro na ito ay nakasusunod sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW), sa pamamagitan ng kanyang local partners, sinasanay ng Maynilad ang komunidad kung papaano gagamitin at mamantinehan ang filtration system.
“Nais ng Maynilad na mapalawak ang pagbibigay ng kaginhawaan sa ating mga kababayan sa lugar ng Visayas. Dahil sa sistemang ito, nais namin na magkaroon sila ng malinis na mapagkukunan ng tubig,” wika ni Maynilad president and CEO Ricky P. Vargas.
The post MAYNILAD NAGKABIT NG WATER FILTERS SA VISAYAS COMMUNITIES appeared first on Remate.