ANIM ang patay, kabilang ang tatlong Pinay sa naganap na aksidente sa Malaysia.
Ayon sa report, nabatid na bukod sa 3 Pinay, may biktima rin na British national at dalawang Myanmar refugees mula sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).
Lumalabas sa report na nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan ang British national, Miyerkules ng gabi, dahilan para bumangga sa center island sa ilalim ng flyover malapit sa Kampung Pandan.
Sinubukan namang mailabas ang mga biktima sa loob ng sasakyan pero biglang sumiklab ang apoy.
Nabatid na patungo sa isang restaurant ang mga biktima para mag-dinner.
Sinasabing isa sa Filipina victim ay domestic helper.
The post 3 Pinay patay sa aksidente sa Malaysia appeared first on Remate.