Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bago mag-Pasko: PNoy tutungo sa Tacloban

$
0
0

BAGO mag-Pasko ay muling bibisitahin ni Pangulong Benigno Aquino III ang Tacloban City.

Sa talumpati ng Pangulong Aquino sa idinaos na Outstanding Young Men (TOYM) Award sa Malakanyang ay sinabi nito na naniniwala siyang titigil ang kanyang pag-ubo dahil sa positibo na ang pagbabalik niya sa nasabing lugar matapos salantahin ng bagyong Yolanda.

Nauna rito, kapwa binisita na nina US Secretary of State John Kerry at United Nations Secretary General Ban Ki-moon ang nasabing lungsod.

Batay sa National Economic and Development Authority, ang ginagawang pagbangon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda ay tatagal ng 2017 na ang halaga ay aabot naman sa P361 bilyon.

Sa kabilang dako, kasabay ng pagbibigay ng karangalan na iginawad sa 9 na mga bagong hirang bilang “THE OUTSTANDING YOUNG MEN” ngayong taon ay binigyang pugay ng chief executive ang bawat Pinoy na nagbigay at naghatid ng serbisyo para muling ibangon ang mga lugar na winasiwas ng bagyong Yolanda.

Sa kabila aniya ng delubyong ito ay isinilang naman ang mga bagong bayani ng Pilipinas.

Ito aniya ang mga Filipino na handang damayan ang mga kapwa Filipino na nangangailangan ng tulong.

The post Bago mag-Pasko: PNoy tutungo sa Tacloban appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>