PALPAK ang Department of Transportation and Communication (DOTC) na magpatupad ng total overhaul sa mga land base na pampublikong sasakyan.
Giit ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian na makikita aniya ang kapalpakang ito sa madalas na aksidente sa kalsada na nangangahulugang hindi epektibo ang mga ipinatutupad na patakaran sa public transport system.
Tinukoy ni Gatchalian ang resulta ng fleet inspection sa Don Mariano Bus kung saan lumabas na apat lang sa 77 bus ng kompanya ang maayos at ligtas sakyan.
Nais din ni Gatchalian na palawigin ang kriminal na pananagutan kasama na ang mga may ari at operator ng mga bus at iba pang pampublikong sasakyan sa tuwing may aksidente at routine checks.
Panawagan naman ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza na doblehin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang matinding traffic sa Metro Manila ngayong Pasko.
Pinayuhan ni Atienza ang MMDA na mag-double time upang maibsan ang sobrang traffic na nararanasan ngayong Holiday season.
Hinimok ni Atienza si MMDA Chairman Francis Tolentino na magdagdag ng pwersa sa mga lansangan lalo na sa major thoroughfares.
Partikular na pinuna ni Atienza ang biyahe sa EDSA-Commonwealth na umaabot ng dalawang oras dahil sa kawalan ng tauhan ng MMDA na nagmo-monitor dito.
Nababahala si Atienza dahil batay kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, aabot ng P2.4 Billion sa isang araw ang nalulugi sa Pilipinas dahil sa matinding traffic na umuubos sa oras ng mga tao para maging produktibo.
The post Kapalpakan ng DOTC at MMDA pinuna ng mga mambabatas appeared first on Remate.