NAABO ang may P100,000 halaga ng ari-arian makaraang masunog ang isang warehouse sa Parañaque City kaninang madaling-araw, Disyembre 19.
Ayon kay Senior Fire Officer 4 Teodorico Gatchalian, nasunog ang stockroom ng aluminum glass framing products.
Nagsimula ang sunog sa bodega ng Al-Ways Corporation sa Kilometer 16, East Service Road, San Martin de Porres, Parañaque bandang alas-2 ng madaling-araw na umabot sa ikatlong alarma wala pang isang oras.
“Based on our initial investigation, the fire started at the middle portion of the building and quickly spread to the other parts of the structure,” ayon sa naturang fire officer.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang sunog, ngunit suspetsa ng fire marshals na faulty electrical wiring ang sanhi nito.
Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog na naapula bandang alas-3:05 ng madaling-araw.
The post P100K naabo sa sunog sa Parañaque appeared first on Remate.