Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Shopping tips for Christmas

$
0
0

PASKO na naman!

Ilang araw na lang at Christmas na.

At bahagi ng okasyong ito ang tradisyon ng Pilipino na maghanda ng kahit anong munting regalo para sa mga mahal sa buhay, bukod sa pagmamahal siyempre.

Kaya kung ikaw ang isa sa pinakamaraming mamimili na ‘rush’ na ‘ika nga ang pagsa-shopping ngayong Pasko, narito ang ilang shopping tips na makatutulong sa inyo.

Maglista

Ilista na ang pangalan ng iyong mga pagbibigyan. Be specific, ilista kung babae ba o lalaki at ilang taon, para kapag nandoon ka na sa target shopping mall, ‘di ka na matatagalan sa pag-iisip kung anong regalo ang babagay o magugustuhan ng iyong pagbibigyan.

Pumili ng shopping mall

Kung ‘di naman kalakihan ang budget mo, huwag nang magmagandang pumunta sa mall na alam mong mahal ang mga produkto. Anyway, wala naman sa mahal o mura ng regalo ang mahalaga diba? It’s the thought that counts ‘ika nga. Kaya mainam kung puntahan ang shopping mall na alam mong kakayanin ng iyong budget ang target na regalong bibilhin.  Maging ‘wise’ na rin sa pagpili ng regalo, piliin ang talagang pakikinabangan.

Alamin ang kalidad

Alam n’yo bang maraming fashion guru ang nagsasabing ang mga materyal na bagay ay walang silbi kung hindi naman nabibigyan ng buhay? Ibig sabihin, kung ang taong pagbibigyan ng regalo ay hindi naman mahilig sa mga kagamitan na pang-arte, bakit siya bibigyan ng katulad nito kung hindi naman ito masisiyahan at ‘di rin mabibigyan ng buhay? Well, mas simple, mas ‘the best!’ Malay mo, Christmas card lang mas maa-appreciate pa ng pagbibigyan ng regalo.

Maging creative

Sa pagbabalot pa lang ng regalo ay marami ng creative ways. Minsan, kahit na anong pangit ng regalo na ibibigay kaninuman ay nadadagdagan ng ganda sa pamamagitan ng balot pa lang. And take note, hindi n’yo kailangang bumili ng mamahaling gift wrapper para lang mapaganda ito. May mga ribbon na nagkakahalaga ng P2/per yard na kapag inilagay na sa regalo ay nagmumukhang mamahalin. Ang pambalot naman ay nabibili lang ng 3 pieces for P10.00 kaya afford mong mas mabigyan ng magandang disenyo ang pagbabalot ng ireregalo.

Ooppss, huwag kakalimutang maglagay ng note card na mabibili ng piso isa, saka sulatan ng special message na mas magpapasaya sa taong pagbibigyan ng gift.

And last, tandaan sana na ang araw ng Pasko ay hindi lamang para gumastos at magpalitan ng materyal na bagay. Mas magiging masaya ang okasyong ito kung ibabahagi hindi lamang sa mga mahal sa buhay ang inyong pagmamahal kundi maging ang hangaring makapagpasaya ng kapwa on own your little way.

Maligayang Pasko sa lahat!

The post Shopping tips for Christmas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan