BINAKBAKAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang speech writers na palaging nag-uumpisa ang mga salita sa letrang n, k at p na magkakasunod kung saan ay mapapansin sa kanyang mga talumpati, mensahe at kalatas.
Inamin ng Chief Executive na kinausap niya ang kanyang speech writers sa aspetong ito dahil hindi man niya aminin ay nabubulol siya kapag ganito palagi ang kanyang nababasa.
“Bago po ako magtapos: Alam n’yo kausap ko po ang writers ko, sabi ko ‘wag naman lahat ng salita mag-uumpisa sa “n,” sa “k,” sa “p,” magkakasunod. Baka puwede nating ayusin nang kaunti. Sample ko po sa kanila parati, ‘yong sa Tagalog, ‘yong mayroon hong foreigner na makikinig sa atin. ‘Di ba ‘yung “kakaba-kaba ka ba” [laughter] at saka ‘yung “bababa ba?” Sabi ng isang foreigner, minsan statement, kung minsan question, dapat papakingan mo kung mabilis. Anyway, three and a half years na po akong pinapahirapan ng aking mga writer. Okay lang po iyan. Pero sa dulo po, nandoon na naman iyong mga “n,” “n,” “n.” , ayon kay Pangulong Aquino.
Kapansin-pansin na palaging pinapalitan ni Pangulong Aquino ang kanyang speech kapag siya ay nabulol na at habang minsan naman ay dinadaan na lamang sa adlib.
The post Speech writers binakbakan ni PNoy appeared first on Remate.