NANINDIGAN si House Speaker Feliciano Belmonte na tuloy nang pag-uusapan sa Kamara ang Charter Change pagpasok ng susunod na taon.
Tiwala si Belmonte na kayang aprubahan ang ChaCha sa unang quarter ng susunod na taon.
Ipinaliwanag din ng speaker na wala silang ibang gagalawin sa konstitusyon kundi maglalagay lamang ng kolatilya para mas madaling mabago ang nationalist restrictions sa economic provisions.
Partikular na isisingit lamang ang katagang “unless otherwise provided by law.”
Sa ganitong paraan aniya ay maaari silang magpatibay ng batas na aamiyenda sa 60/40 ownership sa mga lupain, public utilities, media, advertising business at exploitation ng natural resources.
Susubukan din ni Belmonte na kumbinsihin si Pangulong Aquino na suportahan ito dahil tinitiyak nilang wala silang ibang babaguhing probisyon ng Saligang Batas.
Samantala, sa huling araw ng sesyon bago ang Christmas vacation ay simpleng opening-closing lamang ang gagawin.
Babalik ang sesyon sa January 20, 2014.
The post ChaCha tuloy na sa Kamara sa 2014 appeared first on Remate.