Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

COMELEC pinalagan ni Biazon sa SOCE

$
0
0

INALMAHAN ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ang kautusan ng Commission on Elections (COMELEC) na i-vacate ang kanyang tanggapan dahil sa isyu ng hindi pagsusumite ng Statement of Contribution and Expenditure (SOCE).

Pumalag si Biazon sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa may 20 kongresista na isinulat ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes kay House Speaker Feliciano Belmonte na dapat na pansamantalang umalis sa kani-kanilang opisina.

Binigyang diin ng kongresista na nag-file siya nito sa COMELEC-Muntinlupa at sa katunayan ay inisyuhan siya ng Certificate of Compliance na nagpapatunay na tumugon siya sa kanyang responsibilidad.

Gayunman, aminado si Biazon na hindi siya ang personal na pumirma sa kanyang inihaing SOCE kundi ang isa sa kanyang mga staff.

Ngunit wala siyang nakikitang iregular dito dahil nasa SOCE form ng COMELEC  na pwedeng pumirma dito ang representative o kinatawan lamang ng kandidato.

Handa naman si Biazon na sumunod sa utos ng COMELEC  at maghahain siya ng bagong SOCE para itama na ito sa pamamagitan ng personal na pagpirma sa dokumento.

Magkagayunman ay hindi naitago ni Biazon ang pagkadismaya sa COMELEC  dahil sa halip na ipersonal sa mga concerned ay sa media agad nag-anunsiyo ang COMELEC bago pa man nakipag-ugnayan sa mga kumandidato sa nakalipas na eleksiyon.

Giit pa ni Biazon na wala man lamang siyang natanggap na abiso mula sa COMELEC kaya nagulat na lamang siya nang malaman ito sa media.

Tiniyak naman ni Belmonte na kikilos ang mga kongresista sa Lunes, December 16 upang itama ang pagkakamali.

Ngunit nilinaw niya na hindi 20 kundi tatlo lamang ang nakausap ng kanyang tanggapan na hindi naghain ng SOCE kabilang sina Manila Rep. Trisha Bonoan-David, Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado at Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno.

The post COMELEC pinalagan ni Biazon sa SOCE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>