ISINUSULONG ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang paglikha sa isang Joint Executive-Legislative Commission na magrerepaso ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA kabilang ang power rate structure sa bansa.
Mungkahi ito ng kongresista upang mapabilis ang pag-amiyenda sa EPIRA dahil direkta na ang input ng ehekutibo sa magiging pagbabago sa batas.
Isang resolusyon ang nakatakdang ihain ni Castelo upang gawing pormal ang kaniang mungkahi.
Isa sa mga pangunahing dapat tutukan ng lilikhaing komisyon ay ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM na itinatag alinsunod sa EPIRA upang mabuhay ang kumpetisyon sa power sector at mapababa ang singil sa kuryente.
Nais ni Castelo na maagapan ang pagtugon sa problema sa mataas na power rate sa bansa dahil kung hindi ay maaaring makaapekto ito sa economic growth ng bansa.
Batay sa ulat ng Energy Regulatory Commission sa House Committee on Energy, ang Pilipinas ang ikalawang may pinakamataas na singil ng kuryente sa buong Asya.
The post Komisyon na rerepaso sa EPIRA ipinalilikha appeared first on Remate.