HINDI maaaring magdaos ng banal na misa o Simbang Gabi sa shopping malls.
Ito ang pagtutol ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay sa nalalapit na Simbang gabi sa Disyembre 16.
Sa circular na ipinalabas ng Cardinal, kung walang chapels ang malls ay hindi nito pahihintulutan na magdaos ng banal na misa lalo na kung sa hallways at corridors lamang ito gagawin.
Hinimok naman ng Cardinal ang mga deboto na panatilihin ang nakaugaliang Misa de Gallo.
Ang Simbang Gabi ay gaganapin sa madaling-araw ng nasabing petsa at magtatapos naman sa bisperas ng Pasko sa Disyembre 24.
The post Malls bawal magdaos ng Simbang Gabi – Tagle appeared first on Remate.