Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Parusa sa ‘di naghain ng SOCE pinahihigpitan

$
0
0

HINAMON ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang Kongreso na gumawa ng batas na gawing krimen ang parusa sa mga kandidatong hindi makapaghain ng Statement of Contribution and Expenditure (SOCE).

Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, imbes na multa dapat gawing krimen ang parusa sa hindi makakahain ng SOCEs.

Sinabi ni Brillantes na hinahamon niya ang Kongreso na gumawa ng batas na magkukulong sa mga lalabag sa nasabing election offense.

Sinabi pa nito na pa-relax-relax lamang ang mga talunang politiko na hindi maghahain ng SOCEs matapos i-decriminalize ito ng Kamara.

Kabilang sa mga politikong pinaalis sa puwesto dahil sa hindi paghahain ng SOCEs ay sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Ilocos Sur Gov. Ryan Singson, Laguna Gov. ER Ejercito at dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala hiindi dumaan sa due process ang utos ng COMELEC na iwan pansamantala ng 422 nanalong kandidato ang kanilang pwesto dahil sa hindi naisumiteng SOCE.

Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na sa halip na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) o kay House Speaker Sonny Belmonte idinaan ang utos, dapat sana ay sinulatan na lang ang bawat isang kandidato.

Una nang sinabi ni COMELE ni Brillantes na hindi dapat pinayagang makaupo sa pwesto ang 422 dahil hindi pa sila nakapagsumite ng SOCE.

The post Parusa sa ‘di naghain ng SOCE pinahihigpitan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>