IKINASA na ang iwas paputok campaign ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila simula pa kahapon.
Nag-ikot ang mga tauhan ng DOH kasama ang partner agencies nito mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection, (BFP) Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine National Police (PNP) para ikampanya at ilatag ang ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.
Inabangan din ng marami ang pagsayaw ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag sa saliw ng musikang “Roar” na pinasikat ng international singer na si Katy Perry.
Maliban dito, kasama rin sa kampanya ng DOH ang ligtas na mga laruan sa mga bata, holiday safety tips at kampanya laban sa tetano.
The post Kampanyang ‘Iwas-Paputok’ ikinasa na ng DOH appeared first on Remate.