MUNTIK nang magsalpukan ang barkong pandigma ng US at Chinese warship sa bahagi ng South China sea.
Ang insidente ay kinumpirma ng military official na nangyari noong nakaraang Biyernes at payapa rin namang naresolba.
Nilapitan ng barko ng China ang US Navy guided missile cruiser na USS Cowpens na nasa international waters.
Ang barkong pandigma ng China ay bahagi ng Chinese navy ships na kasama sa aircraft carrier nitong Liaoning na ngayon ay naka-deploy sa South China Sea.
Sa kabila ng radio warning mula sa USS Cowpens na sobrang lapit na nito, hindi huminto ang Chinese ship.
Kaugnay nito, ipinag-utos ng Cowpens commanding officer ang “all stop” nang sobrang lapit na ng Chinese warship.
Tuloy-tuloy daw na dumaan sa tabi ng Cowpens ang barko ng China.
Ayon sa US Navy official na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi karaniwan na magpalabas ng “all stop” order para maiwasan ang aksidente sa karagatan.
Sinabi ng isa pang US military official na alam ng Chinese vessel ang ginagawa nito pero propesyunal naman daw ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang commanders ng barko nang mangyari ang encounter.
Batay sa source, nasa South China Sea ang Cowpens para magsagawa ng surveillance sa aircraft carrier ng China.
The post US, Chinese warship nagsalubong sa S. China Sea appeared first on Remate.