IPINAGMALAKI ni resigned Communications Secretary Ricky Carandang kanyang tatlong taong pagtatrabaho sa gobyerno.
Ipinagmamalaki pa ni Carandang na wala siyang pagsisisi sa gobyerno.
Una nang inihayag ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na nag-resign si Carandang dahil naniniwala itong nagawa na niya ang kanyang tungkulin at nais nang magbalik sa pribadong sektor.
Sa ngayon, sinabi ni Carandang na nais muna niyang i-enjoy ang holiday season at saka na lamang tututukan ang magiging trabaho bagamat hindi naman niya iniisip ang paglipat sa isang kumpanya o sektor.
The post Pagtatrabaho sa gobyerno ipinagmalaki ni Carandang appeared first on Remate.