DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang misis matapos mataga ng sariling mister nang mapagkamalang kaaway.
Ang biktima ay kinilalang si Leonora Solis, 54, ng Hermilinda, Brgy. Mansilingan, Bacolod City.
Sa ulat, brownout sa lugar at nakahiga ang mister na kinilalang si Roberto Solis, 44, nang mapagkamalan nito na kanyang kaaway ang misis at agad na kinuha ang itak na nasa paanan nito at tinaga ang kanyang asawa.
Tinamaan sa tiyan at naabot pa ang pulso ng biktima dahilan upang ideklarang dead on arrival nang dinala sa Western Visayas Regional Hospital.
Nang mahimasmasan ang suspek na sa kanyang mga kamay namatay ang sariling asawa, nilaslas din nito ang kanyang pulso gamit ang basag na bote habang nakakulong sa lock-up cell ng Police Station 7.
Mababaw lamang ang sugat ng biktima.
Sinasabing may nervous breakdown ang suspek na nagsimula noong binata pa ito.
The post Misis napagkamalang kaaway nataga ng mister appeared first on Remate.