NAWASAK ang harapang bahagi ng SUV ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson matapos suwagin ng motorsiklo sa Barangay Paing, Bantay, Ilocos Sur.
Kaugnay nito, nasugatan ang driver ng motorsiklo na kinilalang si James Borje, residente ng Barangay Mabilbila, Santa, nabanggit na probinsiya.
Minor injury naman ang sinapit ng driver ni Gov. Singson na kinilalang si Ramon Andia.
Ayon sa report ng PNP-Bantay, hinahabol ni Borje ang kanyang oras sa trabaho kaya nilampasan niya ang tatlong sinusundang sasakyan nang mabangga ang sasakyan ng gobernador.
Bagama’t lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na kasalanan ito ng biktima, inako na rin ni Gov. Singson ang pagpapagamot sa kanya na ipinagpasalamat ni Borje.
The post SUV ni Ilocos Sur Gov. Ryan Singson, sinuwag ng motor appeared first on Remate.