Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Protesta vs. Fuentebella inurong ni Aga Muhlach

$
0
0

INIURONG na ng dramatic actor na si Aga Muhlach ang mga petisyon laban sa nakalaban na si Cong. Wimpy Fuentebella noong nakaraang May 13, elections.

Nabatid kay Atty. Noriel Badiola, Provincial Election Supervisor ng Comission on Elections (COMELEC) sa lalawigan, sinabi nito na halos isang buwan na matapos nilang matanggap ang impormasyon mula sa national office tungkol sa pag-atras ni Muhlach sa kanyang isinumiteng mga petisyon.

Kabilang na rito ang pagpapawalang bisa sa proklamasyon ni Fuentebella na nakalaban ni Muhlach noong nakaraang midterm elections.

Subalit sinabi naman ni Badiola na wala silang ideya kung maging ang kanilang protesta sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ay binawi na rin.

Hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na subpoena para sa mga record noong nakaraang halalan sa Partido area na tumakbo ang aktor.

Magugunitang noong buwan ng Nobyembre nang katigan ng HRET ang protesta ng aktor kasunod ng pagpapa-recall sa mga balotang kinukwestyon ni Muhlach.

The post Protesta vs. Fuentebella inurong ni Aga Muhlach appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan