NAKUMPISKA ng National Meat Inspection Service (NMIS) at Manila City Veterinary Inspection Board ang 400 kilo ng processed meat sa ilang palengke sa Maynila.
Ang pagkakakumpiska sa nasabing mga paninda ay matapos hindi makatugon ang mga tindera sa ordinansa ng lungsod na nagtatakda ng label sa mga produkto maging ang manufacturing at expiry date nito bukod pa sa paglabag sa Consumer Act.
Ayon kay Dr. Domingo Gonzsa ng NMIS, mapanganib sa kalusugan ang pagkain ng mga produkto lalo pa’t di tiyak kung kailan ito ginawa at mag-e-expire.
Nasa 20 kilos din ng buffalo meat na ipinagbabawal na ibenta sa mga palengke ang nasabat ng awtoridad.
The post 400 kilo processed meat nakumpiska appeared first on Remate.