PATAY ang isang mag-asawa at kanilang ampon na buntis nang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Navotas kaninang umaga.
Nabatid na naganap ang insidente alas-7:30 ng umaga sa Kalye Impiyerno, Tabing-dagat sa San Roque, Navotas.
Kinilala ang mga biktima na sina Rosa Leticia, Cecilio Dinolang at kanilang anak na si Jocele na anim na buwang buntis, habang kinilala naman ang suspek sa alyas Gigi.
Sa imbestigasyon, nagalit ang suspek nang bungangaan siya ng nanay ng dating karelasyon na si Jocel.
Sa asar, ay kumuha ng baril ang suspek at pinagbabaril ang mag-anak.
Inaalam pa ang buong detalye sa krime.
The post 3 miyembro ng pamilya niratrat sa Navotas, utas appeared first on Remate.