PULITIKA ang nakikitang motibo sa pagpatay sa isang mamamahayag sa Bukidnon.
Ito ang nakikita ng National Bureau of Investigation (NBI) sa paggulong ng kanilang imbestigasyon.
Sinabi ni NBI Deputy Director for Regional Operations Services Virgilio Mendez, mapapabilis na ang pag-usad sa kaso laban sa suspek matapos na pormal nang maisampa sa prosecutors office ang kaso.
Ayon sa NBI, murder ang isinampang kaso sa gunman ni Joas Dignos, broadcaster sa Bukidnon.
Nabaril at napatay si Dignos ng puganteng preso sa Sayre Highway sa Valencia City noong Nobyembre 29 na positibong itinuro ng isang testigo.
Sinasabing binabatikos ng broadcaster ang mga pulitiko sa kanilang lugar kaya ito ngayon ang tinitingnang motibo sa krimen.
The post UPDATE: Pulitika motibo sa pagpatay sa broadkaster appeared first on Remate.