BINITAY na ng North Korea ang tiyuhin ng lider nitong si Kim Jung-un at minsang makapangyarihang opisyal na si Jang Song-thaek.
Ayon ito sa ulat ng state news agency na Korean Central News Agency matapos ang military tribunal na naghatol sa dating opisyal sa mga kaso nito ng tangkang pagpapabagsak sa gobyerno, at “depraved” acts tulad ng pambababae at paggamit ng ilegal na droga.
Tinawag din na isang traydor, at masahol sa aso ang tiyuhin ng lider.
Agad na ipinatupad ang bitay matapos ang desisyon nitong Disyembre 12, ayon sa ulat.
Batay pa sa ulat, “all the crimes committed by the accused were proved in the course of hearing and were admitted by him.”
Ngayong linggo lamang din nang patalsikin at alisan ng pwesto sa partido at pamahalaan si Jang, na ikinokonsiderang ikalawang pinakamaimpluwensyang opisyal sa bansa kasunod ni Kim.
Naging balita rin ang pag-eskorte pa ng mga gwardiya kay Jang palabas sa isang public party meeting kamakailan.
Sinasabing katulong ng ngayong lider si Jang mula nang mamatay ang ama nito dalawang taon na ang nakalilipas.
The post Tiyuhin ni Kim Jong Un ng North Korea, binitay na appeared first on Remate.