AGAD na isinugod sa ospital ang negosyanteng Chinese-Filipino matapos pagbabarilin nang pasukin ang tinutuluyan niya sa 1365-B Ma. Clara street kanto ng Lacson sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Uy, 24, kasalukuyang nasa Infant Jesus Hospital.
Ayon kay Blanco, papasok sa loob ng commercial residential building si Uy nang sabayan ng mga suspek.
Dumadaan sa lugar si Rommel Arcayre nang makarinig ng putok mula sa loob.
Sunod na nitong nakitang lumabas ang apat na lalaki na sinundan naman ng isang babaeng humihingi ng tulong.
Duguan at nakagapos si Uy nang makita niyang nakabulagta sa garahe.
Agad niya itong itinawag sa mga pulis.
Tinangka ng taumbayan na habulin ang mga suspek ngunit nabigo silang mahuli ang mga ito.
The post Negosyanteng Tsinoy sugatan sa pamamaril sa Maynila appeared first on Remate.