BUKAS pa rin ang noontime show ng TV host na si Willy Bayola na tanggapin itong muli.
Ayon kay Vic Sotto, maaari niyang pakiusapan ang management para ibalik si Bayola bilang co-host nila sa “Eat Bulaga”.
Subalit kailangan ayon kay Sotto na humingi muna ng paumanhin si Bayola sa pagkakasangkot niya sa iskandalo.
Natanggal si Bayola matapos kumalat ang sex video nila ng dancer din sa show na si Yosh Rivera.
Sinabi ni Sotto na wala siyang kinalaman sa pagkakatanggal ni Bayola kundi desisyon ng management na pagpahingahin muna ang komedyante matapos ang kinasangkutang iskandalo.
The post Wally Bayola welcome pa sa EB kung magso-sorry appeared first on Remate.