SINITA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tatlong supermarkets sa Quezon City dahil sa Noche Buena items na mas mahal sa suggested retail price (SRP).
Hindi naman pinangalanan ni DTI Director Victorio Mario Dimagiba ang mga supermarket pero umaabot aniya sa 10 porsiyento ang kanilang patong sa SRP.
Kabilang sa mga labis ang presyo ang ilang brand ng spaghetti sauce, tomato sauce, macaroni at fruit cocktail at iba pang grocery items.
Nag-isyu na rin ng show cause order ang DTI laban sa tatlong supermarkets.
Hindi naman nabanggit sa ulat kung pansamatalang pinatigil ang operasyon ng tatlong supermarkets.
The post 3 QC supermarket sinita sa labis na singil sa pang-Noche Buena appeared first on Remate.