BAGO na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) chief sa katauhan ni Director Carmelo Valmoria.
Si Valmoria ay umupo bilang kumander ng NCRPO kahapon lamang sa isang simpleng turnover rites sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Pinalitan ni Valmoria si Chief Superintendent Marcelo Garbo Jr., na itinaas bilang Chief Directorial Staff (CDS) o ang No. 4 man ng Philippine National Police (PNP).
Si Garbo at Valmoria ay kabilang sa siyam na police officers na naapektuhan ng major reshuffle sa PNP kasunod ng pagreretiro ni Deputy Director General Ager Ontog, ang PNP’s Deputy Chief for Administration (DCA) at Director Cipriano Querol, ang hepe naman ng Directorate for Intelligence (DI).
Bago ang kanyang bagong posisyon bilang NCRPO chief, si Valmoria ang namumuno ng Special Action Force (SAF), ang fighting unit ng PNP.
Si Valmoria ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘82, at may reputasyon na disciplinarian, na tulad ni Garbo. Inaasahan na ipagpapatuloy ni Valmoria ang pagpapatupad ng “no take” policy ni Garbo laban sa illegal gambling sa Metro Manila.
The post NCRPO chief Garbo, pinalitan na appeared first on Remate.