TIWALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na huhupa ang paghina ng piso.
Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco, hindi dapat ituring na senyales ng pagbulusok ng piso ang tila pag-iwas ng mga investor sa Pilipinas.
Isa aniya sa sanhi ng pagbaba ng halaga ng piso ay ang paglakas ng ekonomiya ng Estados Unidos.
Noong Lunes ay nagsara ang palitan ng dolyar sa P44.15 habang kahapon ay nasa P44.29, ang pinakamahinang lebel ng piso sa nakalipas na tatlong buwan.
The post BSP kumpiyansang huhupa ang paghina ng piso appeared first on Remate.