PATAY ang isang pulis matapos salakayin ng grupo ng New People’s Army (NPA) ang Kibawe Police Station sa Bukidnon kaninang madaling-araw.
Kinilala ang napatay na si SPO2 Rodelfin Alonzo na naka-detail sa nasabing himpilan.
Ayon sa ulat, agad na tumakas ang mga rebelde sakay ng pitong van papunta sa mga barangay ng Tomaras at Damulog sa nabanggit na bayan.
Ayon naman kay PNP regional spokesperson Supt. Michael Pareja, nakipag-ugnayan na sila sa militar upang tugisin ang mga tumakas na NPA.
Hindi pa mabatid kung mayroong mga baril na nadala ang mga rebelde.
Napag-alaman na noong nakaraang taon, isang police station din sa Bukidnon ang inatake ng mga rebelde at natangay ang ilang mga baril.
The post Parak patay sa atake ng NPA sa Bukidnon appeared first on Remate.