PATAY ang magpinsan matapos tumilapon nang salpukin ng Isuzu Highlander ang sinasakyan nilang motorsiklo sa San Juan, Batangas kaninang umaga, Disyembre 10.
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang mga biktimang sina Ruel Lanado, 21, at April Allan Indicio, 29, kapwa ng Barangay Abung San Juan, Batangas.
Kinilala naman ang suspek na si Nino Tinson, 28, driver at nakatira sa Sampaloc, Manila.
Alas-5:30 ng umaga kanina nang maganap ang insidente sa Brgy. Talahiban 1st San Juan, Batangas.
Sa kuwento ng suspek, minamaneho niya ang Isuzu Highlander (XBB305) na pag-aari ni Long Hai Cao nang salpukin siya ng mga biktima na sakay naman ng motorsiklo (8084 DN) na minamaneho naman ni Lanado.
Sa lakas ng impact, kapwa tumilapon ang mga biktima kaya napuruhan sa ulo at namatay.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.
The post Magpinsan todas sa Highlander sa Batangas appeared first on Remate.