NAGBABALA ang pamunuan ng PNP sa modus operandi ng mga nagpapanggap na pulis ngayong Holiday season.
Kinumpirma ni PNP PIO chief S/Supt. Reuben Theodore Sindac na may mga report silang natanggap hinggil sa ilang mga personalidad na nagpapanggap na miyembro ng PNP at nagsasagawa ng solicitation sa iba’t ibang establisimyento.
Ilan pa sa mga ito ay sinasamantala ang Oplan Katok ng PNP kung saan nagtutungo ang mga ito sa mga kabahayan at sinasabi sa mga may-ari ng bahay na mayroon itong kasong kinahaharap.
Niliwanag ni Sindac na wala silang ginagawang transaksyon sa mga bahay-bahay.
Pinayuhan ni Sindac ang mamamayan na agad ipagbigay alam sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya kung may nambibiktima sa kanilang pekeng pulis.
Siniguro naman ng PNP ang sapat na police visibility sa commercial establishments, simbahan, airport, seaport, bus terminals at mga pampublikong lugar ngayong buwan ng Kapaskuhan upang hindi samantalahin ng mga teroristang grupo at mga masasamang element ng lipunan.
The post Nagkalat na pekeng pulis ibinabala appeared first on Remate.