KAPWA kritikal at nakatakdang isailalim sa operasyon ang kakapanalo pa lang na kapitana at kanyang mister matapos silang pagsasaksakin ng mga ‘di kilalang lalaki habang naglalakad pauwi kaninang madaling-araw, Disyembre 10 sa Brgy. Banalo, Bacoor, Cavite.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Grace Lucas Timba, 48, newly elected na kapitana at ang mister na si Ernesto Constantino Timba, kapwa ng Brgy. Banalo, nasabing lungsod.
Tumakas ang suspek na kinilala lamang sa pangalang alyas Dan Dan ng Brgy. Sinuguelasan ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon, 2:30 ng madaling-araw naglalakad ang mag-asawa pauwi na sana sa kanilang bahay nang biglang bumulaga at humarang ang suspek na armado ng patalim.
Walang sabi-sabing inundayan ng sunod-sunod na saksak ang mga biktima bago tumakas.
Kapwa naman agad na naitakbo sa pagamutan ang mga biktima.
Tinutugis na ang suspek habang inaalam na rin kung ano ang motibo sa insidente.
The post Kapitana, mister pinagsasaksak sa Cavite appeared first on Remate.